Robin: Medical Marijuana, Makakatulong sa Pagpondo ng Programa ng Gobyerno – World News ReportPosted by On


PHILIPPINES, September 12 –
Press Release
September 12, 2022





Robin: Medical Marijuana, Makakatulong sa Pagpondo ng Programa ng Gobyerno


Malaki ang maitutulong ng medical marijuana sa pagpondo ng mga programa ng pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino.

Iginiit ito ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla nitong Lunes, bago simulang talakayin ng Senado sa linggong ito ang panukalang pambansang badyet para sa 2023.

Dagdag ni Padilla, mas mainam nang magkaroon ng ibang pamamaraan para ma-ambag ang pagkukunan ng kita – lalo na’t maraming government-owned and controlled corporations (GOCCs) ang umaasa sa gobyerno ng taunang panggastos. Aniya, panahon nang tigilan ang “milking cow phenomenon.”

“Habang tayo po ay nagpaplano ng gastusin ng gobyerno gamit ang kaban ng bayan, huwag naman po sana nating kalimutan ang ating tungkulin na tumbasan
–at higitan pa –ang pinaghirapang kontribusyon ng ating mga kababayan. Kailangan po nating palaguin ang ating ekonomiya at sa puntong ito, malaki po ang maiaambag ng industriya ng medical cannabis na tuloy-tuloy po ang pag-usbong sa iba’t ibang dako ng mundo,” ani Padilla sa kanyang privilege speech.

Original Author Link click here to read complete story..

News

GobyernoMakakatulongmarijuanamedicalngPagpondoProgramaRobinsa

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.